This part of the Civil Service Examination isn’t as hard as the synonyms and antonyms test because this time, we are dealing with our native language. You need to brush-up on your deep Filipino vocabulary though to maximize the amount of correct answers that you can get. Listed below are some Tagalog words together with their synonyms (kasing-kahulugan) and antonyms (kasalungat). It’s just a basic test to jog your brain a bit. Don’t take them for granted though as getting a high score in this part will help you in passing the Civil Service exam in just one take.
Filipino Synonyms and Antonyms Test Items
Piliin ang pinaka-malapit na kasing-kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Si Liza ay nagagalak sa kanyang nakuhang mga parangal.
- nalilito b. nasisiyahan c. nagmamadali d. nahuhuli
2. Sa magkakapatid, si Joana ang pinaka-marikit.
- maganda b. makulit c. maliit d. masungit
3. Maligalig ang aming bahay tuwing sasapit ang araw ng Sabado.
- masaya b. magulo c. malinis d. marumi
4. Si Henry ay isa sa pinaka-mayaman sa kanilang baryo at may mariwasang buhay.
- maayos b. simple c. tahimik d. masagana
5. Nakakalumbay mamasyal ng mag-isa.
- nakakatamad b. nakakalungkot c. nakaka-inis d. nakakatamad
6. Nagluto ang ate ng malinamnam na tinola.
- malaman b. masabaw c. masarap d. madami
7. Marami ang naiinis sa makupad na daloy ng trapiko sa buong Pilipinas.
- masikip b. madami c. mabagal d.matumal
8. Hindi maakyat ni Joselito ang matayog na puno ng niyog.
- mataas b. mataba c. magaspang d. marupok
9. Mahalimuyak ang mga bulaklak na nasa hardin.
- masukal b. marami c. maganda d. mabango
10. Masyadong galawgaw kumilos ang aking bunsong kapatid.
- madalas b. malikot c. mabilis d. mabagal
11. Para mahiwa ang makunat na karne, kakailanganin gumamit ng matalas na kutsilyo.
- mahaba b. matalim c. maiksi d. malapad
12. Inaasahan ng guro na masasagot ng wasto ng kanyang mga mag-aaral ang mga tanong sa pagsusulit.
- mabilis b. madali c. tama d. marami
13. Mukhang mahiyain si Pepito pero ang totoo, sya ay isang matabil na bata.
- madaldal b. mahiyain c. malikot d. matalino
14. Tinawag na ng kanyang nanay si Katrina mula sa paglalaro dahil sya ay kanina pa marungis.
- pagod b. pawis c. hinihingal d. madumi
15. Masarap mamasyal sa Luneta dahil sa malawak na kapaligiran nito.
- malinis b. maaliwalas c. ma-tao d. maluwag
16. Nakahinga ng maluwag si Flora sapagkat naiwasan nya ang matinding sakuna.
- kalamidad b. disgrasya c. kamalasan d. eksena
17. Kinakabahan si Edwin at kanina pa sya palinga-linga.
- pasilip-silip b. pabalik-balik c. palingon-lingon d. payuko-yuko
18. Marami ng bungang-kahoy ang puno na itinanim namin nung nakaraang taon.
- prutas b. dahon c. sanga d. ugat
19. Maraming putahe ang nakahain sa mga hapag-kainan ng pamilyang Pilipino tuwing Pasko.
- regalo b. tinapay c. ulam d. kanin
20. Paborito ni Rhea suotin ang kanyang makinang na kwintas tuwing aalis.
- mamahalin b. makislap c. mahaba d. mabigat
Piliin ang pinaka-malapit na kasalungat ng mga salitang may salungguhit.
21. Masakit ang ulo ni Ester kaya gusto nyang lumiban sa trabaho.
- pumunta b. umalis c. tumagal d. pumasok
22. Hindi maiwasan ni Fe ang pagiging maharot lalo na kapag kasama ang kanyang barkada.
- magaslaw b. mayumi c. makulit d. matanong
23. Laging napagsasabihan si Manuel ng kanyang mga magulang dahil sa kangyang pagiging batugan.
- tamad b. bastos c. masipag d. masinop
24. Ang padalus-dalos na pagdedesisyon ng mga kabataan ngayon ang naglalagay sa kanila sa kapahamakan.
- mabilisan b. mabagal c. maingat d. biglaan
25. Marami ang nabibighani sa natural na kagandahan ni Michelle.
- naaakit b. natataboy c. naalibadbaran d. nababato-balani
26. Masarap mamasyal kapag maaliwalas ang panahon.
- malamig b. makulimlim c. mainit d. maulan
27. Maayos ang pamumuhay ni Dianne dahil sa kanyang ugaling mapag-impok.
- mapagwaldas b. mapag-ipon c. mapag-timpi d. mapag-amok
28. Handa na si Nathan upang ilahad ang kanyang masalimuot na buhay.
- magara b. engrande c. mahaba. d. simple
29. Ang labis na pag-inom ng alak ay nakasasama sa ating atay.
- sobra b. tama c. kulang d. lagi
30. Maraming naiinis kay Samantha dahil sa kanyang ugaling mapag-imbot.
- gahaman b. mapagbigay c. mapagsamantala d. mapagpabaya
31. Sumakit ang balakang ni Rita matapos nyang hulihin ang lahat ng mga nakawalan manok.
- hilahin b. pakawalan c. itaboy d. paamuhin
32. Mariin nyang pinabulaanan ang krimen na sa kanya’s ibinibintang.
- inamin b. ikinuwento c. inako d. inihayag
33. Gumawa ng programa ang gobyerno upang himukin na sumuko ang mga rebelde.
- hamunin b. hikayatin c. pabayaan d.hadlangan
34. Nais niya munang magpahinga ngunit okupado lahat ng upuan.
- sira b. bakante c. nakatabi d. nakakalat
35. Nagawa ni Jason ng maayos ang kanyang trabaho dahil siya ay bihasa.
- sariwa b. tamad c. baguhan d. batugan
36. Kadalasan para maging matagumpay sa buhay, kailangan mo harapin ang mga problema.
- takasan b. asikasuhin c.unawain d. iwasan
37. Hindi maintindihan ang sinasabi ni Clarissa sapagkat sya ay paligoy-ligoy sa kanyang paliwanag.
- masalimuot b. maiksi c. paulit-ulit d.pabulol-bulol
38. Masarap maglakad sa tabing-dagat lalo na kapag bukang-liwayway.
- takip-silim b. maalon c. maaga d. hapon
39. Madaling na-promote si Annie sa trabaho dahil sya ay mabilis tumalima sa mga utos.
- sumuway b. sumunod c. tumalikod d. humarap
40. Gusto sabihin ni James ang kanyan saloobin ngunit sya ay nag-aalinlangan.
- nagdududa b. nagdadalawang-isip c. sigurado d. nalilito
Again, once done you can check out the correct answers by clicking any of the social media buttons below. Thanks!
I bet you got more than 35 answers correct as this test is a bit easy. Again, brush up on your vocabulary by reading a dictionary, or going back to this Civil Service synonyms and antonyms reviewer.